Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto Parish Chapter

WESTB2C Cluster

WORSHIP LIKE NO OTHER

3 Comments

Huli man daw at magaling, huli pa din. Halos dalawang o tatlong linggo na pala ang nakakalipas simula ng makaattend ako ng WORSHIP WORKSHOP. Uuwi na sana ako noon kasi sobrang nasira lang ang araw ko sa isang pangyayari pero sadya ngang magaling ang Diyos kaya ayun di na ako umuwi at siyempre pinigilan din kasi ako nila Ate Sha at Glenn na umalis.

Naalala ko pa na nasa registration area kami noon ng Sectors Leader Assembly ng sabihin ni Majane na ako daw ang magkokober nang nasabing workshop. Dahil di ako makatanggi, umuo ako kaagad.

Nagsimula ang workshop sa registration. Siyempre register muna kami bago umupo sa harap. Di ko na maalala magkano ang bayad pero ayos lang kasi sulit naman talaga. Sinimulan ang nasabing aktibidad sa isang pambungad na papuri at pagdadasal sa Diyos na pinamunuan ni Bro. Ace. Sobrang astig ng simula ng workshop. Ramdam ko na ang bawat isa ay handang ilahad ang kanilang mga kamay sa langit upang papurihan ang Panginoon. Tulad ng kantang tinugtog na “I give my all” handa ang lahat na sabihin sa Diyos na kaya nilang ibigay ang lahat. Sobrang  nakakagaan lang sa pakiramdam at aaminin ko nawala ang inis, galit, lungkot at masamang pakiramdam ko dahil dito. Sobrang astig din kasi ng MusicMin na ibang chapter ang tumugtog.

Matapos ang napakagandang simula. Pinakilala na nga ang speaker. Nakakatuwang malaman na isa sa mga kaibigan ko noong kolehiyo ang magsasalita sa harap. Masasabi kong isa siya sa mga tinitingala ko pag dating sa pagseserb sa Diyos. Sobrang astig kasi nitong taong ito. Di ko alam kung nagsimula siya sa KFC pero ang alam ko lang ay isa siyang lider noong nasa YFC pa ako. Ang sinasabi ko pala ay si Jake Lime. Isa na siyang Full Time Worker ngayon. Astig di ba?

Marahil di ko man mailahad lahat ng sinabi ni Jake sa amin. Gusto ko lang ibahagi ang ilan sa mga nasulat ko at tumatak sa aking puso. Noong YFC ko pa narinig na meron tayong tatlong klase ng  lebel sa pagkanta at pagpuri sa Panginoon, ito ay ang PRAISE, WORSHIP at GLORY na sinabi at pinaliwanag niya uli. Sabi pa niya na dapat tayong lahat ay umabot sa lebel ng GLORY sa tuwing aawit tayo sa Panginoon. Kasi daw sa lebel na ito doon daw natin natatanggap yung 9 GIFTS OF THE HOLY SPIRIT. Tapos siyempre dapat lagi daw nating hinahanda ang puso natin bago tayo umawit ng papuri sa Kanya.

Nagbigay din si Jake ng mga dapat na ugali natin sa pagpupuri sa Panginoon. Hayaan niyo akong ilahad ito sa wikang banyaga. Narito ang ilan sa kanyang mga sinabi.

  1. Every worship should start with Exhortation.
  2. You need to worship to lead others into worship.

                   “When you raise your hands to worship, you need to raise the Holy Ones not the Showy ones”

      3. Don’t be conscious, speak and sings with your heart.

      4. When praying and worshiping avoid praying your usual prayers.

                    “Mas maganda ang prayers na galing sa puso hindi yung kinakabisado”

      5. Worship is difficult when you done unrighteous things.

      6. Be Real and Be Honest.

      7. Be knowledgeable, know the songs by heart.

      8. Avoid to be destructed.

Pinaliwanag din niya ang ibigsabihin ng Exhortation. Ito daw ginagawa upang ihanda ang ating puso’t isipan. Ito rin daw ang paraan upang ipaalala na ang lahat ng ito ay hindi tungkol sa atin kundi tungkol kung gaano kagaling ang Diyos sa ating mga buhay.

Nagbigay din siya ng tseklis ng mga gagawin sa Exhortation. Narito po ang mga iyon:

  1. Confidence
  2. Humility
  3. Enthusiasm
  4. Clarity
  5. Conviction

Hindi pa nagtatapos diyan nagbigay din siya ng paraan paano sisimulan ang Exortation.

  1. PRAY – taimtim na dasal mula sa puso
  2. ENCOURAGE – hikayin ang mga taong sumabay sa papuri at pagkanta
  3. PREPARE – hikayatin ang mga taong ihanda ang sarili nila bago ang papuri at pagkanta
  4. LEAD – pangunahan ang pagkanta at papuri
  5. WORSHIP – Ibigay ang buong puso sa pagkanta at papuri.

At sa huling parte ng Talk ni Jake tinalakay dito ang mga gagawin sa buong WORSHIP, Narito ang mga iyon

  1. EXORTATION
  2. SIGN OF THE CROSS
  3. SPONTANEOUS PRAISING
  4. 2 FAST SONGS
  • Preparing our hearts  and making that deeper connection and relationship  with GOD

      5. SPONTANEOUS PRAISING
6. SLOW SONG

  • Allowing ourselves to reflect more, opening our hearts and listening to GOD’s words

      7. PRAYING POINT/CLOSING PRAYER

  • Always end the prayer with a High Note.

       8. SIGN OF THE CROSS

Ilan lang yan sa mga bagay na naintindihan ko at nasulat sa aking mahiwagang kwaderno. Aaminin ko ang dami kong napulot sa nasabing araw at marahil kulang pa ang isang araw para nasabing WORSHOP. Dito ko din napagtanto na hindi pala talaga madali ang humarap sa napakaraming tao at hikayatin silang sumayaw, sumabay sa pagpupuri at pagkanta para sa Panginoon. Kinakailangan ng lakas ng loob, talino, presensiya ng puso at isipan, mapagkumbabang loob at higit sa lahat ang koneksyon sa Diyos habang ginagawa mo ang papuri at pagkanta sa Panginoon.

Marahil una sa lahat salamat sa Panginoon kasi hinayaan niyang gamitin si Jake para maging tulay para malaman namin ito at Salamat din kay Jake sa pag-unlak sa imbetasyon ni GOD na gamitin siya nito para sa nasabing workshop.

At upang mas maging makakatotohanan ang lahat ng sinabi ni Jake ay sinubukan naming itong gawin at gamitin na. Pinamunuan ni Fjordz ang pagtatapos ng nasabing WORKSHOP.

Ngayon mas naiintindahan namin ang bawat parte. Ngayon mas alam na namin na dapat naming ibigay ang lahat sa tuwing kami ay kakanta at magpupuri sa kanya. Ngayon alam na naming dapat mula sa puso ang lahat.

Marahil iiwan ko lang din sa inyo ang katagang iniwanan niya sa amin.

“WORSHIP AS IF IT IS YOUR FIRST, WORSHIP AS IF IT IS YOUR LAST AND WORSHIP AS IF IT IS YOUR ONLY CHANCE. – Bro. Jake Lime ”

Ngayon ikaw handa ka na bang kumanta sa Diyos? Handa ka na bang purihin ang Diyos at pasalamatan Siya sa mga biyaya at pagpapala niyang binibigay sayo? Handa ka na ba? Ano pang hinihintay mo. KANTA NA AT PURIHIN NATIN SIYA…. LET’S WORSHIP LIKE NO OTHER.

By: Berlim Limbauan

Advertisements

Author: majaneolores

IT Recruiter, God's Princess, Servant, Adventurer

3 thoughts on “WORSHIP LIKE NO OTHER

  1. Reblogged this on Simpleng Inhinyero and commented:

    Love to Worship the Lord.

  2. Thanks for covering the event Berl 🙂 It feels great knowing how you learned from the workshop. Share and continue to inspire others…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s